R u Ready?

my blog. not down with it? two words... s*ck it!

Sunday, January 25, 2009

Siya nga ano!!!

ang bilis pala! 2009 na at ngayon lang uli ako nakapag sulat

ang dami nang nangyari... kaya naman mag kkwento na uli ako!

...

Wednesday, November 02, 2005

Mask-A-Raid

noong Oct. 28, biyernes, ay nagkaroon ng isang contest dito sa office namin. Alam nyo naman ang mga panahon na ito, uso ang mga halloween ek eks at iba pang kakatakutan o mga pakulo. Mask-A-Raid ang sa amin.

halos 1 week lang ang binigay na time para gumawa. ang usapan sa mga maskara ay gawa at hindi bili, ito ang alam ko. gumawa ako dito sa office at sa bahay. minsan lang busy talaga kaya majority ay sa bahay bago matulog.

ang konsepto ko ay isang headgear na may rotating mask sa gilid. may eyewear din nman para cute, dalawang bungo (skull) ang eyewear ko :-) ang 2 mask naman sa gilid ay sign galing sa magic, the gathering (Golgari at Dimir)

sa araw na nag ikot ang mga judge, may mga nakita ako na maganda din talaga. may nakita din naman ako na hindi din sumunod. bumili yung iba na halata din naman. kung titignan ang gawa ko, simple lang at may alibata characters ala Sugo o Apo Abukay. napansin ko na ordinaryo lang ang tingin ng mga judge sa maskara ko ngunit nung sinabi ko na pwede mo iikot ang maskara sa gilid, natuwa sila!

sa huli, nakuha ko ang 2nd place at nakuha ni bryce ang 1st, si Edward naman ay 3rd.


pwede!!!!

Monday, October 10, 2005

CSS daw ng HPS

last week ay Customer Service Week dito sa company namin, Intercon Hotels Grp. ito ay isang pagbigay pugay sa aming mga manggagawa para sa serbisyo na ibinibigay namin.

CSS ay Champion of Customer Service
HPS ay Hotel Performance Support (na kung saan ako ay nabibilang)

ang mga "customer" namin sa HPS ay ang mga Area Managers sa US, canada at Mexico, at mga General Managers at Owners ng mga hotels.

sa nasabing event, madami ang pakulo dito. mga raffle, libreng pagkain o snack araw araw tulad ng pizza, burger, pancakes, "lugaw" atbp. Isa na din sa binigay ay ang CSS o Champion of Customer Service: "For exhibiting outstanding Customer Service that greatly contributes to the success of operations"

may mga ilang piling tao na binigyan nito. hulaan nyo...













Oo....









isa ako dun! ehehehehehe

di nga ako makapaniwala at nabigyan ako nun e. sabi ng Team Manager namin, binigay nya sa Operations Manager namin ang mga napili nya sa HPS. yun ay sila Joyce, Kaye, Pauline, Franz at ako. si sir Mon na daw ang pumili...

nakakuha ako ng isang certificate at... cash prize. maliit lang naman ito pero tama lang na pangtawid habang wala pang sweldo... at pambili ng 4 na booster packs ng kalalabas lang na Ravnica

Wednesday, October 05, 2005

tagal na din ah!

wala lang. post lang ako :-)

Wednesday, September 14, 2005

Magic the Gathering

2-1-2 playing FCG (Food Chain Goblins) for my first vintage tourney, and only second tourney ever (i've been playing magic since 1997)

round 1 vs Psychatog (jason, a new member of realms)

game:1 beatdown ito! after a few hits from lackey, warchief and prospector... down 10 he casts isochron imprinting Fire//Ice (here we go)

i attacked and he started flaming my gobs. i cast recuriter hoping to swarm. i included another recruiter in the upper part of the stack just in case. a few more beats and toasts, he was down to 1 life but i didnt have any gobs in play. i got the second recruiter and searched for 2 fanatics ^_^ and some 2 toughness gobs.

Mogg Fantastic saved me ^_^

game 2:beatdown again via lackey and big gobs, psychatog got REB. tapos sya na ang nag sharpshooter sa sarili nya :P

1-0


Round 2 vs W.T.Fish (Foxmulder)

game 1: got a pretty hand! turn two combo :) but my recuriter got FOWd ouch!
saw a rootwalla, followed by a mongrel. Mox Emerald, A.recall pero topdecked tinker! game

tinanong ko sya kung nag rrealms sya.. Oo ang sagot at Foxmulder ang username... Ikaw pala yan pare, ako si... ^_^ masaya ang ganito, na-mmeet mo yung fellow realmers mo

game 2: beatdown! first turn lackey. discards a rootwalla. burned it. attack lackey, bring down shooter then null rod. more rootwallas, some lackeys. shoot rootwallas. next

game 3: last 5 turns! kaya sana pero biglang tinker uli. i had 5 gobs including 2 p.drivers, warchief and lac:key. he had rootwalla, mongrel and DSC
draw

1-0-1


Round 3 vs Mono Blue Landstill (Yol. Karate ng realms)

ID

matagal na namin gusto pumunta kila mike pero walang oras. ito ang ka-playtest ko. wala nga kami team e so kami nalang. up to the last minuite, di pa namin alam kung sasali kami... naisip nga namin yung name ng team namin... Team Last Minuite or Team Biglang Kabig. kaninong team ba pwede sumali :lol:

1-0-2

Round 4 vs Sui Black (Mary Ann)
game 1: beatdown, pero combo sana. duress for food chain e

game 2: Masakit tamaan ng isang eng.plague, paano pa ang dalawa? tumatawa si mistervader (marcelle)

game 3: after ko makita ang eng.plague, para na akong isang goblin na pag nababaan uli nito, pati ako damay.

beatdown via prospector and recuriter. burned a hypnotic then cast another recruiter. stacked piledrievers kasi may warchief na sa kamay. 3 cards sa hand ko, she casts hymn! naku! at nakuha pa yung 2 lands ko kaya di na-cast ang warchief. got the two piledrivers. she cast nevs... next turn attack all

2-0-2


Round 5 vs combo, Deathlong yata (Marcelle, Mistervader ng realms)
Game 1: umabot ng turn 5 before combo. beatdown too slow :(

game 2: beatdown pero nakakuha ng balance via d.consultation! null rod ako kasi powered sya. he passed a turn.

eto ang mali ko!!! naisip ko na beatdown na ang chance ko since slowed a bit na ang combo nya. me with only 2 red mana, i cast the a fanatic and then contemplated for a while. i cast the second fanatic. i was holding a REB. his turn, cast a lotus then...... TINKER GG

may mali din ako sa sideboard! naalala ko din ang mga sinabi ni master chingpao, sayang
nakakapagod ang tourney pero masayang masaya naman! gulat din ako, Glenchuy was there :) sana makasali ka uli sa mga susunod na tourney

congrats sa lahat ng nag top 8 at kay marcelle

Monday, September 05, 2005

Globe? Making GREAT things IMpossible

last friday, pumunta ako sa isang branch ng globe para kunin na ang bago kong line at phone (approved sya!) naka leave ako nun kaya masaya! Plan 800 ang kinuha ko at Nokia 6020 yung telepono, pero may +3,500 na additional fee for the Phone

mabait yung matanda dun, pag kita nya palang sa akin ay sinabi na niya ang name ko! aba! alam ha!!! kahit mga 3-4 weeks na ako last nagpunta dun.

teka lang sabi nya, kunin ko lang yung phone at application form mo.

sige po, ang sabi ko

nung lumapit na sya at binigay na ang mga ito para bayaran, ngumiti ako at nagpasalamat. pumunta kami sa cashier para magbayad.

nang binigay ko na ang pera, tinitigan ng matagal ng lalake yung phone at additional fee ko. tinignan din ang application form ko. nang lumaon, ang sabi nya... sir 5,900 na po ang fee ng Nokia 6020, tumaas po ito.

-- P'cha!!! --

sabi ko naman ay hindi ako nasabihan at sabi nung nag assist sa akin ay 3,500 yung additional fee. nag usap sila sandali at napag alaman na tumaas nga daw ito.

teka, kulang po ang pera ko. balik nalang ako.

--- noong tumawag sila, ilang araw na ang nakararaan ay walang sinabi tungkol sa pagtaas ng phone na iyon. sana lang ay nasabi na nila yun. nasa kanila naman yung application form ko at naka indicate doon yung phone at additional fee na babayaran. ---

prices can change without prior notice, lam ko pero dapat pro-active sila. knowing the phone i want, dapat sinabi na nila yung change nung tumawag sila.

ang galing diba?

Wednesday, August 31, 2005

tinapay ng buhay

maikli lang ito...

noong linggo ng umaga, pumunta ako kila Aileen.

bumili ako ng 2 Gogo Sandwich sa KFC para mirienda namin.

nsa seven-11 na ako malapit sa kanila nang makita ko ang isang matandang babae na naka upo sa labas ng nasabing convenient store. tinititigan ko sya habang naglalakad ako. isa sya sa mga palaboy sa daan, yung mga walang maayos na bahay at ang buhay ay paghingi ng ikabubuhay sa kapwa. sarap na sarap sya sa pagkain ng tinapay.

hindi ko alam pero baka yun na ang pagkain na laman ng tiyan niya sa araw na iyon.

palayo na ako sa matanda ng marinig ko sya... "kain ka..." na may ngiti pa sa labi nya at pilit na inaabot ang tinapay sa akin.

akalain mo inalok pa ako ng matanda na makihati sa kinakain nya! sya na kitang kita mo na walang kaya sa buhay, sya na di mo alam kung kailan ulit kakain, sya na di mo alam kung saan magpapalipas ng gabi. natuwa ako sa kanya at nginitian nalang.

talagang sila ang mga pinagpala. mga taong sa langit pupunta pag nakalimutan na nilang huminga. sayang lang at ako ay walang naibigay sa matanda...

sana may next time pa, para makita ko sya, para naman sya ang bigyan ko ng tinapay at masabing... "Kain po kayo, lola"



maikli lang diba???

EV coding

nasabi ko na sa isang post ko na makailang beses na gumawa na kami ng isang project involving programming (VB Editor). Masaya ako dito dahil nagagamit ko yung napag aralan ko sa eskwela. sa ginagawa naming report, gumagamit kami ng isang "formatted" excel sheet at isang fast agent na parang DOS/Mainframe program.

may suhestyon ako na dapat sasabihin syo ng EV (ito yung excel file) na mali ang ginawa mo... so pauulitin ka. importante kasi na tama lahat ng nilalagay namin na data. lam mo na... so gumawa ako ng pang-check o "Error Handling Code" dun sa EV. pag nakita ng mga boss namin yun at napag pasyahan na gamitin ito, maaaring mawala na ang mga error namin sa pag gawa. yun ang mahalaga, mawala ang mga error.

sana... sana lang :-)